Meron kaming sasabihin
Pakinggan n’yo ang aming babanggitin
Sigaw ng aming damdamin
Tingin n’yo sami’y mga bata
Na hindi marunong mag-isip
Puro porma at barkada
Sa paligid ay nakapikit
Di naman kami bingi’t bulag
Sa nangyayari ay nakamatyag
Sinong may sabing wala kaming pakialam
Puwes nagkakamali ka
Sinong may sabing wala kaming pakialam
Puwes pakinggan na ang sigaw ng kabataan
Bagay-bagay at pangyayari
Sa aming mga mata
Utak nami’y parang tupa
Ngunit sa pag-ibig ay batak
Hindi n’yo na kami mabubuwag
Akala n’yo lahat kami’y bangag
Sinong may sabi
Sinong may sabi
Sinong may sabing wala kaming pakialam
Puwes pakinggan na ang sigaw ng kabataan
Sinong may sabing wala kaming pakialam
Puwes nagkakamali ka