nagdadasal ng nakapikit
mapapatawad mo kaya ako
kung iwanan ko ng sandali ang mundo mo
at bumalik sa kung saan ako huling nangarap ng gising
at nadama kong totoo ang ihip ng hangin
paulit-ulit ang mga gabing di makatulog, nahuhulog sa isang madilim na sulok..
naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng paraan sa kung paano at kailan at kung anupang dahilan
sa isang saglit magbabalik
nagdadasal ng nakapikit
mapapatawad mo pa ba ako sa tuwing nawawala ako sa sarili kong mundong parisukat..
dala-dala mga gawa-gawang saklay, alam kong hirap kang sumabay..
alam mong hirap ako
paulit-ulit ang mga araw na parang kaytagal-tagal, ang oras parang kaybagal-bagal..
naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng mga sagot sa kung paano at kailan at kung anupang dahilan
sa isang saglit magbabalik
nagdadasal ng nakapikit
magbabalik sa isang saglit
nagdadasal ng nakapikit..nakapikit
Stay Updated:
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/PinoyMusicChoice
Follow us on Twitter: http://twitter.com/#!/PMCTV
Watch us on YouTube: http://www.youtube.com/PinoyMusicChoiceOPM
Subscribe to RSS Feed: http://www.pinoymusicchoice.com/p/subscribe.html
Subscribe to PinoyMusicChoice by Email