Di ko mapigilang ngumiti pag ika’y nakikita
Para kang isang regalong nagbibigay saya
Nagtataka kung anong hiwagang mayron ka
Sana ang nadarama ay di na lumipas pa
Para bang namamasyal sa ulap tuwing kasama ka
Pati mga problema ko’y biglang limot ko na
Ang oras ay biglang natrapik, biglang humihinto
Sulit ang bawat minutong ika’y naririto
Kay sarap isipin na naryan ka pag ako’y nalulumbay
Basta’t kasama ka lahat ng bagay ay puno ng kulay
Naririnig ang daloy ng tubig at ihip ng hangin
Sa piling mo’y naglalakbay ako at nananaginip
Ano bang meron ka at ako’y naakit mo?
Mapungay ang mata kapag ika’y kasama ko
Basta’t kapiling ka ako ay ayos na
At sa bawat gitgit iyong makikita na mahal kita
Stay Updated:
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/PinoyMusicChoice
Follow us on Twitter: http://twitter.com/#!/PMCTV
Watch us on YouTube: http://www.youtube.com/PinoyMusicChoiceOPM
Subscribe to RSS Feed: http://www.pinoymusicchoice.com/p/subscribe.html
Subscribe to PinoyMusicChoice by Email