Laging may nagsasabi
Pag-ibig muna’y iisantabi
Dahil bata pa raw ang katulad ko
At baka magsisi lang sa huli
Ako’y laging nakikinig
Ngunit minsa’y napipilit
Dahil may kakaibang nadarama
Nguni’t ‘di ko lang alam kung bakit
Kanino ba ako lalapit
Upang sabihin ang laman ng dibdib
Kung mayro’n mang manliligaw sa akin
Agad ko ba siyang sasagutin
O maghihintay ng tamang panahon
‘Pagkat darating naman din iyon
Ang susundin ko ba ay kayo
O ang bulong ng puso ko
Ngunit huwag daw akong magmamadali
Baka ako ay magkamali
O maghihintay ng tamang panahon
‘Pagkat darating naman din iyon
Darating ‘yon, ahh
Darating ‘yon, ooh
Stay Updated:
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/PinoyMusicChoice
Follow us on Twitter: http://twitter.com/#!/PMCTV
Watch us on YouTube: http://www.youtube.com/PinoyMusicChoiceOPM
Subscribe to RSS Feed: http://www.pinoymusicchoice.com/p/subscribe.html
Subscribe to PinoyMusicChoice by Email