Kilalanin ang sarili
Ipagmalaki talentong natatangi
'Wag mahiya pa... Tumayo na...
Taas noo, ipakita sa kanila
Hayaang kuminang talentong kayang gawin
Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy
Kaya 'to dahil may K ang Pinoy
Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap
Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
May K ako
Kaya ko'ng sumulat, kaya ko'ng gumuhit
Kaya ko'ng sumayaw, kaya ko'ng umawit
Kaya ko'ng tumulang parang si Balagtas
Syantipikong handang tumuklas
Kaya ko'ng lumangoy, tumakbong kay bilis
Gamitin ang lakas sa aking hilig
Panibagong bagay galing sa 'king kamay
Kinabukasan ko sa aki'y kumakaway
Ipagsisigawan ang pangarap
'Di mahihiya kahit na mahirap
Kahit alanganin may panalangin
May pag-asa, puso'y susundin
Hayaang kuminang talentong kayang gawin
Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy (Kaya ko)
Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko)
Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap
Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
May K ako
Kaya ko'ng maging doktor,
Kaya ko'ng maging pulis
Maging mabuting lider ang aking nais
Kaya ko'ng maging guro, abogado o piloto
Anuman ang gusto ko maaabot ko
Gagawan ng paraan upang umunlad
Gagamitin ang talento sa mithing pangarap
Anuman ang gustuhin pagsisikap din
Kaya ko 'to, kaya natin 'to!
Kakayanin ang lahat para makapagsilbi
Mabigyan ng tuwa't ginhawa aking pamilya
Maging mabuting kaibigan
Makatulong sa kapwang nangangailangan
Kuminang talentong kayang gawin
Lilipad, uunlad sa talinong angkin
Kaya 'to ng kabataang Pinoy (Kaya ko)
Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko)
Kaya ko'ng mangarap, tuparin sa pagsisikap
Dahil may K ako, kayang-kaya ko ito
Kaya natin 'to kabataang Pinoy (Kaya ko)
Kaya 'to dahil may K ang Pinoy (Kaya ko)
Kaya nating mangarap, tuparin sa pagsisikap
Dahil may K tayo, kayang-kaya natin ito
May K tayo