Tatlong oras na tayong nagtititigan
Ngunit baket parang walang pinupuntahan
Ano pa ba ang hinihintay
Sana naman may mangyari
Bago tayo maghihiwalay
Bakit di na lang sabihin
Upang malaman na
Kung ano ang nasa isip
At ang nadarama
Sige na naman hayaan mo na sanang may mangyari
Di ko rin naman alam kung bakit d ka pa mapakali
Minsan-minsan lang naman to
At di rin naman ako panghabang-buhay nandirito
Hanggang akbay na lang ba ako?
Gusto na kitang halikan
Ngunit di alam kung paano
Hindi mo ba nararamdaman?
Manhid ka ba talaga
O sadyang may pagkatanga lang
O baka di ko naisip na mabagal ako,
At ako na lang pala ang hinihntay mo
Ilang sandali na lang maguumaga na
Di ko parin alam kung may mapapala..