Sari Saring mga kwento
Ngayon sana’y pakinggan
Mga guhit ng tadhana minsa’y masaya
minsa’y masama
Pilipinas kong mahal
Anong nangyari sa bayan
Mga hari mga reyna
Kaharia’y gumuho lang
Mga tupang naulila
Ano kayang mapapala
Pinabayaan pinag tabuyan
Pano sila
Saring saring saring mga kwento
Saring saring saring mga kwento
Hindi ko na alam ang gagawin
palakad lakad dumadaing
kumakalam ang sikmura
teka muna ako muna
sige hala dating pumapasok
o ang basurahan dahil baka may Makita
pa tayong natirang pagkain kagabi
pano kung wala, walang magawa
nakatulala buhay ko’y naging madali
kung di ako iniwan lang
di man lang tinuruan sana pauwi
habang nakatingin lang napipi lang
pero di ako maka ngiti
Pwede mong isipin na ako’y isang aso
Na dapat nakatali
Pero maraming tulad ko
Nagka ganito na mga batang kalye
Sa lansangan
Di alam di alam san patungo
San tutungo
Di alam di alam san patungo
San tutungo
(Saring saring saring mga kwento
Saring saring saring mga kwento)
Parang gumugulong na luha hindi sapat ang bakuna
Di lahat ng hinahawakan ay pwede mong makuha
Sa paglipas ng panahon at sa pag ihip ng hangin
Tumingin sa itaas pumikit at manalangin
Sari saring mga kwento
Ngayon sana’y pakinggan mo
Mga guhit ng tadhana
Minsa’y Masaya minsa’y masama