Ikaw ay mahalaga sa akin
‘Di ko man maisip
Sa pagtulog, ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin
Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako’y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa ‘yong yakap, ako’y nasasabik
Ayoko sa iba
Sa ‘yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang ‘yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso at pusa
Giliw, sa piling mo ako ay masaya
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta’t sa akin, ‘wag kang mawawala
‘Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating
Na ikaw lamang ang siyang aking iibigin
Stay Updated:
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/PinoyMusicChoice
Follow us on Twitter: http://twitter.com/#!/PMCTV
Watch us on YouTube: http://www.youtube.com/PinoyMusicChoiceOPM
Subscribe to RSS Feed: http://www.pinoymusicchoice.com/p/subscribe.html
Subscribe to PinoyMusicChoice by Email