Patay malisya ka na naman
Pinanganak ka ba tal’gang walang pakiramdam
Kahit magbulag bulagan ka man
‘Di mapapagkaila sa’kin mayroon ka ring nararamdaman

Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako’y tuluyang lumayo
Lumalaki na ba ang ulo mo

Hoy bato
Wala na yata ako tal’gang mapapala sa’yo
Hoy bato
Mamundok ka na lamang kaya
Sa’kin ‘wag na lamang magpakita
Bato

Narinig mo na ba ang salitang “kilig”
Sa tanda mong ‘yan mukhang ‘di mo pa yata naranasang umibig
Hoy naman ‘wag kang ganyan
Ako ngayon ang iyong pinahihirapan

Ano ba talaga ang balak mo
Nais mo bang ako’y tuluyang lumayo
Lumalaki na nga ang ulo mo

Hoy bato
Wala na yata ako tal’gang mapapala sa’yo
Hoy bato
Nanghihinayang ako sa iyo
Pagka’t hindi ako laging nandirito

Sampung taon at kalahati na akong
Naghihintay ng mangyayari
Parang lobong lumipad
Ang pangarap ko’y di na matutupad

Hoy bato
Wala na yata ako tal’gang mapapala sa’yo
Hoy bato
Hanggang dito na lamang ako
Gudlak na lang sa iyo
Bakla ka ba? O sadya lamang
Bato