Pinapaya mo ang aking damdamin
O, hangin (o, hangin)
Linutas mo ang aking mga suliranin
Hanging maitim ang nasa bayan
Likha ng usok sa pagawaan
Ito’y ‘di mo masilayan
Dito sa bundok at kabukiran
Punong kawayan ang aking nakikita
Buhay ng karamiha’y sa kanya gumagaya
‘Di tiyak kung saan pupunta
Bawat galaw, hangin ang nagdadala
Aking himig, inyong maririnig
Sa hangin na nasa paligid
Kasabay sa ibong nagliliparan
At kaluskos ng dahon sa palayan
Buhay ko’y katulad niya
Kung saan-saan napupunta
Dahil sa himig na aking dala
At sa hawak kong gitara
Stay Updated:
Like us on Facebook: http://www.facebook.com/PinoyMusicChoice
Follow us on Twitter: http://twitter.com/#!/PMCTV
Watch us on YouTube: http://www.youtube.com/PinoyMusicChoiceOPM
Subscribe to RSS Feed: http://www.pinoymusicchoice.com/p/subscribe.html
Subscribe to PinoyMusicChoice by Email